Latest Entries

Magsaysay creed

Monday, June 22, 2009 by Elias , under

I believe that government starts at the bottom and moves upward, for government exists for the welfare of the masses of the nation.

I believe that he who has less in life should have more in law.

I believe that the little man is fundamentally entitled to a little bit more food in his stomach, a little more cloth in his back and a little more roof over his head.

I believe that this nation is endowed with a vibrant and stout heart, and possesses untapped capabilities and incredible resiliency.

I believe that a high and unwavering sense of morality should pervade all spheres of governmental activity.

I believe that the pulse of government should be strong and steady, and the men at the helm imbued with missionary zeal.

I believe in the majesty of constitutional and legal processes, in the inviolability of human rights.

I believe that the free world is collectively strong, and that there is neither need or reason to compromise the dignity of man.

I believe that communism is iniquity, as is the violence it does to the principles of Christianity.

I believe that the President should set the example of a big heart, an honest mind, sound instincts, the virtue of healthy impatience and an abiding love for the common man.

Ramon Magsaysay

7th President of the Republic of the Philippines

Japan, Japan sagot sa kahirapan

Saturday, June 20, 2009 by Elias , under

Pumunta si Gloria Arroyo sa bansang hapon kasama ang labing-anim na congressman kasama ang kanilang mga asawa at kamag-anak. Ako ay may mga katanungan.

Bakit kailangan magpunta ni Gloria Arroyo sa Japan?

Bakit kailangan pang kasama ang mga congressman?

Ayon sa Malacanang, ang pagpunta daw nang pangulo sa bansan hapon ay "official". Nagtungo daw ang pangulo doon upang pagtibayin ang (Japan-Philippines Economic Partnership Agreement) JPEPA.

Hinikayat ni Gloria Arroyo ang mga hapon upang mag invest nang mga negosyo sa ating bansa. Halos lahat na yata nang pagmamakaawa ay gagawin ni Arroyo upang lumapit ang mga investor sa pilipinas, at ganun din ang gingawa niya tuwing pumupunta siya sa mga "official" visit niya sa ibang bansa. Saklaw din nang kasunduang JPEPA ang pagpapadala nang mga nurse sa bansang hapon. May mga trabaho nanamang hatid sa atin ang pangulo! - sa ibang bansa nga lang po.

Habang nasa "official" visit sa bansang hapon si Gloria Arroyo, ano naman ang pinagkaka-abalahan nang mga congressman na kasama niya? "Official" visit din ba ito? O isang "treat" dahil sa pagkaka-pasa nang con-ass sa kongreso? Kasama pa ng mga congressman ang kani-kanilang may bahay at mga anak. Ano kaya ang gagawin nila doon? Hindi na natin iyon alam. Basta sigurado mula sa kaban nang bayan ang ginamit nila pagpunta doon.

Sa totoo lang, kung "official" talaga ang lakad nang pangulo at nang iba pang kawani nang gobyerno ay walang problema doon. Sana nga lang ay gingawa talaga nila ang kani-kanilang mga tungkulin. Kaso sa gitna nang problemang pinansyal ngayon sa mundo, talaga bang kailangan pang byumahe nang mga congressman at nang pangulo? Talaga bang kailangan magmakaawa pa sa mga ibang bansa upang mag-invest sa pilipinas kapalit nang pagpapadala nang mga pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa? Nagsasayang lang sila nang panahon at pera.

Kung sana ay ginamit nalang nila ang pera para sa mga pangangailangan sa ating bansa. Perang makakapag paayos nang mga silid aralan, perang sana ay makakatulong sa mga magsasaka, at perang magagamit pa sa madaming paraan upang mapaunlad ang sarili nating bayan.

Sino sino pala ang kamasa? Eto.

Wanted: OFW

Thursday, June 18, 2009 by Elias , under


Ang Pilipinas na marahil ang numero uno sa pag eexport nang kanyang mamamayan upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang ating gobyerno pa ang nagbibigay nang trabaho hindi dito sa pilipinas kung hindi sa ibang bansa. Nurse, construction worker, domestic helper, at kung ano ano pang trabaho ang alok nang ating gobyerno. Hindi ba makagawa nang trabaho para sating mga pilipino ang ating gobyerno? Mga trabahong hindi na kailangan pang umalis nang pilipinas at mawalay sa pamilya at sa mga minamahal. Mahirap maging OFW. Ang mga OFW o mga Overseas Filipino Workers ang tinatawag na makabagong bayani nang ating bayan. Sa likod nang makabagong bayaning tawag sa kanila, ano nga ba ang tunay na pinagdadaanan nila?

Bago pa lamang sila lumisan nang bansang pilipinas, katakot takot na utang na ang kanilang baoon sa bansang paroroonan. Ang mga utang na ito ay pinaggamitan nila upang makahanap nang trabaho at syiempre para sa transportasyon patungo sa pupuntahan. Baon nila ang mga utang na ito upang laging tumanin sa kanilang mga isip na magtrabaho. Magtrabaho nang mabuti at husto upang mabayaran ang mga utang na ito.

Mahirap mawalay sa mga minamahal. Malungkot ang buhay OFW. Kalungkutan ang laging nadarama nila sa kanilang mga trabaho kahit pa na may magandang sweldo. Kailangang tiisin ang hirap dahil lahat nang ito ay para din sa kani kanilang mga minamahal. Ang masama pa nga minsan ay nagtratrabaho na sila para sa mga minamahal nila ay nagkakaroon pa nang problema. Dahil malayo sa pamilya, ang ibang anak o kaht sino pang minamahal ng isang OFW ay nagiging pasaway. Napapariwara, nababarkada at may masamang bisyo na lalo pang dumadagdag sa kalungkutan nang isang OFW.

Pagmamaltrato. Marahil hindi na bago itong salita na ito para sa mga OFW. Ang pananakit nang kanilang mga amo, panghaharas mental man o pisikal ay kadalasan nilang kinakaharap. Halos laging may nababalitaan tayong OFW na minamaltrato sa mga bansang kanilang pinagsisilbihan. Bakit kaya sila minamaltrato? Nagsisilbi kana nga sa kanila tapos ganun pa ang kakahinatnan? Hindi naman sila nagsisilbi upang pawiin ang init nang laman o gawing punching bag nang kanilang mga amo. Hindi ko man maintindihan ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngunit ako ay nalulungkot para sa ating mga kababayan.

Hindi ako OFW pero ilang lang yan sa mga alam kong suliraning kinakaharap nang mga makabagong bayani nang ating bayan. Madami pa silang kinakaharap na pagsubok. Malalaman laman natin iyon kung tayo na ang kanilang nasa sitwasyon. Sana ay wala nang makitang dahilan ang ating mga kababayan upang umalis para manilbihan sa ibang bayan. Sana ay tulungan mismo nang ating gobyero na masolusyunan ang kawalan nang trabaho. Sana ay matapos na ang pagalis nang ating mga kababayan upang makapagtrabaho at kumita nang malaki sa ibang bansa uapang wala nang OFW ang aabusuhin nang kanilang mga amo at wala na silang iiwang minamahal sa pilipinas.

Banggaan

Tuesday, June 16, 2009 by Elias , under

Kamakaylan lamang, nabalitaan ko na may isang barkong pandigma nang amerika at isang submarino nang tsina ang nagbanggaan sa karagatan kung saan nasa loob ito nang teritoryo nang pilipinas. Nabangga nang submarino ang hinhilang sonar nang barkong pangdigma nang amerika.

Ito ang balita na hatid ng GMA News.

Ang masama nito, hindi man lamang nalaman nang ating hukbong militar ang nasabing pangyayayari. Nalaman lang nila ang balitang ito mula sa mga mangingisda malapit sa baybayin nang pinangyarihan. Panong nangyari ito at hindi man lamang nalaman agad nang ating militar?

Ayon sa interview ni Mike Enriquez at ni Arnold Clavio sa radio sa isang opisyal nang sandatahang lakat nang pilipinas, wala daw kasing sapat na pondo para sa mga kagamitan upang makita at masubaybayan ang kahit ano mang sasakyang pandagat na nasa loob nang teritoryo nang pilipinas. Akala ko ba ay napakalaki nang pondo nang ating militar? Bakit wala man lang tayong sapat na kagamitan upang maprotektahan ang ating bayan? Nasa loob na pala nang ating mga karagatan ang mananakop pero hindi pa natin alam? Pano na yan?

Nagpalabas na kanikanilang pahayag ang tsina at ang amerika tungkol sa nagyaring kaganapan at pareho nilang sinasabing "aksidente" ang naganap. Tandaan natin na ang amerika at ang bansang tsina ay dalawa sa may pinakamalalaking hukbong sandatahan sa buong mundo. Sa panig naman nang pilipinas, tinanggap naman nating aksidente ang naganap. Ganun nalang ba? Wala ba tayong kakayahan umangal sa makakapangyarihang bansa? Tumatahimik nalang tayo dahil alam nating may mali sa mga sarili natin. Lahat tayo ay may tungkuling ipagtanggol ang ating bayan kahit ano mang oras nang pangangailangan.

Tunay na Kalaayan

Friday, June 12, 2009 by Elias , under


Sa loob nang mahigit isang daang taon mula sa pagkakadeklara nang ating kalayaan, masasabi ba nating tunay na malaya na ang ating bayan? Marahil masasabing malaya na tayo sa halos tatlong daang taong pananakop nang mga kastila at halos limangpung taong pananakop nang mga amerikano, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa natatapos ang himagsikan. Hindi pa tapos ang laban para sa kalayaan. Hindi pa tayo malaya sa kahirapan, hindi pa tayo malaya sa paglalapastangan sating karapatang pantao, at hindi pa tayo malaya sa hindi matapos tapos na mga suliranin nang ating bayan.

Talamak na kahirapan ang pangunahing suliranin nang ating bayan. Hanggat hindi nasosolusyunan ito ay lalo itong magiging isang malaking problema. Kahirapan ang ugat nang madaming krimen, katiwaliaan, at pagkababa nag moral nating mga pilipino. Talagang mahirap labanan ang kahirapan. Kung pagtutuunan lamang natin nang sapat na panahon ang problemang ito, mabibigayan natin ito nang karampatang solusyon. Ang tunay na makakasagot sa problemang ito ay tayo. Bawat pilipino, ikaw, ako, tayo ang solusyon. Kung hahayaan nating paunlarin ang ating mga sarili sa mabuting paraan at huwag magpapatalo sa kahirapan, maniwala ka, uunlad tayo.

Una sa lahat, dapat alam nating lahat ang ating mga karapatan bilang isang mamamayan. Huwag hayaang may maglapastangan sa iyong mga karapatan. Maging mapagmasid, magmatyag sa iyong lipunan na kinakaroonan. Huwag hayaang pati ang gobyernong may tungkuling ingatan ang kanyang mga mamamayan ay siya pang umalipusta nang iyong karapatan. Igalang natin ang karapatan nang iba at ito ang solusyon sa ating hinahanggad na kapayapaan.

Ang hindi matapos tapos na mga suliranin nang ating bayan ay isa pa sa mga hadlang sa ating tunay na kalayaan. Katiwaliaan, abuso, kahirapan, krimen, at pangaalispusta ay ilan lang sa listahan nang mga problema nang ating bayan. Nahihirapan umunlad ang ating bayan kung hindi natin ito mabibigayan nang solusyon. Huwag nating ipagpabukas o ang masama pa ay ipagwalang bahala itong mga problema. Ayusin na natin kung ano ang mga mali sa ating lipunan. Oo, madali lang itong sabihin at mahirap gawin, ngunit may kasabihan nga "kung ayaw madaming dahilan, kung gusto madaming paraan." Kung gusto talaga natin umunlad at magbago ang bayan, gawin nalang natin talaga ang dapat.

Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang kalayaan sa pananakop nang mga dayuhan sa isang bayan. Ang tunay na kalayaan ay makikita sa kung ano na ang kinakahitnan nang mga mamamayan. Kalayaan sa kahirapan, sa pangaalispusta, at sa problema nang bansa ang ating hinahanggad. Malaya ba talaga ang ating minamahal na Pilipinas? Ang masama, hindi pa natin nakakamit ang tunay na kalaayan.